100 percent completion ng LEDAC priority measures, target ng Kamara sa Disyembre

Inihayag ni House Speaker Martin Romualdez na target nila ang 100 percent completion rate ng priority measures sa ilalim ng Legislative-Executive Development Advisory Council o LEDAC bago matapos ang taon.

Ayon kay Romualdez, tatapusin nila ang dalawampu’t walong panukalang batas sa Disyembre o anim na buwang mas maaga sa pagtatapos ng Third Regular Session.

Read More:  Bantay Impeachment: avoid delaying tactics in VP Sara impeachment trial

Sa nakaraang LEDAC full council ay iniulat ni Romualdez na naaprubahan ng Kamara ang dalawampung priority measures na target ipasa noong Hunyo ngunit tatlong buwang mas maagang naisakatuparan.

Paliwanag ng Speaker, sa dalawampu’t walong LEDAC measures, dalawa ang ganap nang batas, apat ang naratipikahan na, dalawa ang nakasalang sa bicameral conference committee, labing-apat ang naaprubahan sa Kamara at dalawa ang tinatalakay sa komite.

Read More:  ‘Sigabo’ production attends MTRCB compliance seminar

Dagdag pa ni Romualdez, mahalaga ang pagkakaisa at pagkakasundo sa pagitan ng Kongreso at executive branch upang mapabilis ang usad ng key legislative measures.