Alegasyong isang ‘Chinese spy’ si Alice Guo, kailangang tutukan ng intelligence agencies – Senador

Posibleng talakayin sa pamamagitan ng isang executive session ang mga bagong exposé na ‘di umano’y isang Chinese spy si dismissed Bamban mayor Alice Guo.

Matatandaang sa Quad Comm hearing, pinapanuod ang isang documentary ng Al Jazeera kung saan idinawit ni She Zhijiang na ‘di umano’y kapwa sila espiya ni Guo.

Read More:  CAAP tightens preparations for Super Typhoon Inday

Sa isang panayam, sinabi ni Senador Win Gatchalian na kailangan itong ma-validate kasama ang mga defense o intelligence officials.

Kapag totoo raw kasi ito – ito ang unang pagkakataon na may isang spy na nahalal pa sa isang public position.

Aniya, kailangang makumpirma ito para na rin malaman kung mayoron pang ilang spies sa bansa, at baka nahalal na rin sila sa Gobyerno.

Read More:  Sen. Padilla pushes juvenile detention centers, says minors who kill must be held accountable

Dapat din umano’y malaman kung ano ang pakay nila rito sa bansa.

Una na itong itinaggi ni Guo at sinabing magdedemanda pa siya kay She Zhijiang at sa Al Jazeera.