PCG, may bago nang spokesperson

Pormal nang manunungkulan si Commodore Algier Ricafrente bilang bagong tagapagsalita ng Philippine Coast Guard (PCG).

Ito’y kasunod ng nalalapit na pagreretiro ni Rear Admiral Armando Balilo na magtatapos sa kaniyang serbisyo sa September 30 makalipas ang 30 taon paglilingkod.

Read More:  Sara Duterte vows never to resign as impeachment trial advances

Bukod sa pagiging bagong spokesperson, itinalaga rin si Commodore Ricafrente bilang Acting Commander ng Coast Guard Public Affairs Service.

Sa turnover ceremony kahapon sa National Headquarters ng PCG, nagpasalamat si Balilo sa mga kasamahan sa media sa kanilang suporta sa pagpapalaganap ng mga gawain ng PCG.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Hinimok niya ang patuloy na kooperasyon sa pag-upo ni Ricafrente bilang bagong spokesperson.

Si Balilo ay naging tagapagsalita ng PCG mula 2003, at nagsilbi sa ilalim ng 19 na commandant at nagsilbi rin bilang Commander ng Coast Guard Civil Relations Service.