DepEd, dinoble ang vacation service credit ng mga guro sa 30 araw

Mula sa dating 15 araw, itinaas pa ng Department of Education sa 30 araw kada taon ang vacation service credits ng mga guro.

Ayon sa DepEd, ang mga service credits ay magbibigay-daan sa mga guro na gamitin ito bilang kapalit ng kanilang mga pagliban dahil sa sakit o personal na dahilan, o upang mabawi ang mga kaltas sa sahod sa panahon ng bakasyon.

Read More:  Senate Impeachment Court orders VP Sara Duterte to appear Monday

Sa bagong kautusan, lahat ng guro na may isang taon nang nagtuturo, pati na rin ang mga bagong-hire na guro na na-appoint sa loob ng apat na buwan mula sa simula ng klase, ay makatatanggap ng 30 araw ng VSC taun-taon.

Dagdag pa rito, ang mga bagong-hire na guro na ma-aappoint matapos ang apat na buwan mula sa simula ng klase ay bibigyan ng 45 araw na VSC kada taon.

Read More:  Bayan urges vigilance vs INC protest’s impact on anti-corruption drive

Ang hakbang na ito ay bahagi ng pagsisikap ng DepEd na kilalanin ang mahalagang kontribusyon ng mga guro at masiguro ang kanilang kapakanan sa loob at labas ng silid-aralan.