COMELEC – nagbabala vs nag-aalok ng panalo kapalit ng pera

Tiniyak ng Commission on Elections na nailapit na nila sa National Bureau of Investigation (NBI) ang isyu tungkol sa mga sindikatong umiikot ng bansa upang mag-alok ng pagmamaniubra sa resulta ng halalan.

Read More:  China urges DFA to act responsibly; President Marcos seeks clarification from ambassador

Sa isang forum, idiniin ni COMELEC chairperson George Garcia na imposibleng ma-manipulate ang botohan.

Aniya, mayroon daw kasing nag-aalok na babaguhin ang poll results dahil kakilala raw nila ang poll body chairman, ‘o ‘di kaya nama’y may kakilala sa Miru systems.

Read More:  Malacañang denies Sara Duterte’s Laos travel authority; Ramon Tulfo apologizes

Dahil dito – umapela siya sa mga kandidato na ‘wag magpapaloko sa mga ganitong modus.

Maari rin umanong maharap sa kasong estafa ang sinumang mapapatunayang sangkot dito.