LTFRB, tumatanggap na ng aplikasyon para sa special permit ng mga bibiyaheng bus sa Undas

Binuksan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang aplikasyon para sa special permit para sa mga bus na babyahe sa panahon ng undas.

Ayon sa LTFRB, September 23 nang magsimula silang tumanggap ng aplikasyon para dito at tatagal ito hanggang sa October 7.

Read More:  DSWD: 15-year-old Tacloban school shooter showed discernment

Magiging epektibo ang permit simula October 30 hanggang November 3.

Paalala naman ng LTFRB, 30% lamang ng kabuuang authorized units bawat operator sa bawat ruta ang pahihintulutan.

Read More:  Marcos cancels public events, monitors EDSA rally

At ang mga unit na inaplay ay dapat hindi higit sa 14 na taong gulang mula sa petsa ng pagkagawa nito.

Ang pagbibigay ng special permit ng LTFRB ay bahagi ng paghahanda sa inaasahang dagsa ng pasahero na uuwi sa kani-kanilang probinsya sa Undas.