Pinoy rower Nievarez abanse na sa quarterfinals sa Tokyo Olympics

Abanse na sa quarterfinals ang pambato ng Pilipinas para sa men’s single sculls na si Cris Nievarez.

Ito ay matapos masungkit ang 3rd place sa preliminary round sa naturang sports nang maitala ang 7:22.97 na oras.

Read More:  P1.36 billion shabu shipment from Laos seized at Manila port

Maliban kay Nievarez abanse na rin sa quarter finals ang Russia na nakakuha ng 2nd place habang nanguna naman ang Croatia sa Heat 5 ng rowing tournament sa Tokyo Olympics.

Read More:  Apple to provide 170,000 MacBook Neo laptops to public schools nationwide

Magugunitang matapos maantala ng isang taon dahil sa COVID-19 pandemic, ay pormal nang binuksan ngayong araw ang pagdaraos ng Tokyo Summer Olympics.