Halaga ng Piso kontra Dolyar, lalakas sa Disyembre

Positibo ang Department of Finance na mas magiging malakas ang halaga ng piso kontra dolyar pagsapit ng Disyembre.

Ayon kay DOF Secretary Ralph Recto, karaniwang lumalakas ang palitan ng piso kontra dolyar kapag Christmas season. Kaya sa kanilang pagtaya, posibleng aabot sa 55pesos ang palitan pagdating ng Disyembre.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Paliwanag pa ng Kalihim, nakakatulong ang pagiging matatag ng piso kontra dolyar sa pagpapababa ng inflation at mas makakatipid ang bansa sa importasyon.

Read More:  Romualdez ready to face Ombudsman complaint, says he will answer allegations

Lumalakas rin ang padala ng pera ng mga Overseas Filipino Worker sa kanilang mga pamilya sa Pilipinas tuwing pasko. Kahapon nagsara ang palitan ng piso kontra dolyar sa 56.18.