POGO-serye, tatapusin na

Sisimulan na mamayang bandang alas nwebe ng umaga ang huling pagdinig hinggil sa illegal na Philippine Offshore Gaming Operator.

Bilang tugon, kinumpirma ng Pasig Regional Trial Court Branch 167 na dadalhin ng Jail Warden ng Pasig City Jail Female Dormitory si Alice Leal Guo o Guo Hua Ping sa gagawing pagdinig.

Read More:  Palace open to corruption probe with sufficient evidence

Samantala, umaasa naman si Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada na makakaharap mamaya ang partner ni Sual Mayor Dong Calugay.

Read More:  Romualdez ready to face Ombudsman complaint, says he will answer allegations

Ito ay para makapagbigay ng detalye sa mga natanggap niyang impormasyon na panay illegal ang negosyo ni Calugay.

Dagdag pa niya, may mga dumating din sa kanyang kwento na si Calugay ang nag-ooperate sa POGO hub sa Bamban, Tarlac.