Pag-overstay ng mga containers ng bigas sa pantalan, posibleng dahil sa mababang storage charge

Isa sa nakikitang rason ng Philippine Port Authority kung bakit hindi agad kinuha ng mga consignee ang mga containers na naglalaman ng bigas sa pantalan, ay dahil sa mababang storage charges kumpara sa mga private warehouses.

Ayon sa General Manager ng PPA na si Jay Santiago, posible ring inaantay ng mga consignee na sumipa ang presyo ng bigas saka nila ito kukunin. Ilan daw kasi sa mga naturang containers ay lagpas syam na buwan nang nakatengga sa pantalan.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist
Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Sa ngayon hindi pa matukoy ng PPA at ng Department of Agriculture kung makakasuhan ng hoarding at profiteering ang mga consignee.

Ayon sa PPA wala raw sa mandato nila ang magkaso, habang ang DA naman ay on-going pa ang kanilang pagsusuri.