Kawalan ng Social Distancing sa transaksyon sa PSA Albay at isang bangko napuna ng mga residente

LEGAZPI-Agad naman na nabigyan ng aksyon ng mga ototridad ang reklamo ng ilang mga residente sa napuna nitong kawalan ng social distancing sa nagpapatuloy na mga transaksyon sa ilang establishment sa old Albay Legazpi City.

Sa pinadalang larawan ng ilan sa mga nagkaroon ng transaksyon sa Philippines Statistics Authority Albay, napansin ang halos magkakadikit na sa pila kahit na ang mga itoy nakasuot ng facemask.

Read More:  Partner named person of interest in marine biologist’s killing

May ilan rin na nagkukumpulan na nakapila sa isang bangko para magwithdraw sa malapit lamang sa nasabing opisina.

Ayon naman sa Public Safety Office o PSO Legazpi, umaga pa lamang ay nasita na nila ito ngunit ang ibay talagang bumabalga sa health protocols.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Kung kaya naging solusyon na lamang umano ang paglalagay ng bantay para masiguro ang pagsunod nang mga ito.

Sa ngayon muling pinaaalalahanan ng mga otoridad ang publiko sa pag obserba ng pagsusuot ng facemask, social distancing para makaiwas sa Covid-19.