Dismissed Bamban Mayor Guo – pinalilipat na ng kulungan sa Pasig City Jail

Ipinag-utos na ng Pasig Regional Trial Court ang pagpapa-aresto kay dismissed Bamban mayor Alice Guo.

Ito’y may kinalaman sa kasong qualified human trafficking na inihain laban sa dating alkalde.

Read More:  PAGASA warns of danger-level heat index in 16 areas

Sa naturang arrest warrant – walang piyansa na inirekumenda ang Korte.

Dahil dito – pinalilipat na ang kustodiya ni Guo mula sa Kampo Crame, papunta sa Pasig City Jail female dormitory.

Read More:  Padilla urges supporters to stay calm ahead of November 6 DOJ hearing

Samantala ngayong babasahan ng sakdal si Guo sa Valenzuela Regional Trial Court Branch 95.

Matatandaaang inilipat sa Valenzuela RTC ang kasong graft na inihain laban sa kaniya mula sa Capas RTC sa Tarlac.