ICC, maaring gamitin ang mga testimonya sa pagdinig ng Quad Comm. hinggil sa war on drugs

Bagama’t hindi isusumite ng House Quad Committee ang resulta ng kanilang drug war investigation sa International Criminal Court, nilinaw ni Quad Committee co-chairman Representative Ace Robert Barbers na puwede gamitin ng sinuman ang mga testimonya sa nagdaan nilang hearing, maging ang ICC.

Read More:  NSC reaffirms Batanes as an integral part of the Philippines

Accessible kasi aniya sa publiko ang pagdinig ng komite sa iba’t ibang broadcast platforms.

Ngunit kung manghihingi sila ng assistance sa pamahalaan, iginiit ni Cong. Barbers na hindi sila makikipagugnayan sa ICC.

Read More:  Sandiganbayan denies Revilla’s request to attend brother’s wake

Tatalima ang Kamara sa posisyon ng Ehekutibo na walang hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas.