PBBM, sinariwa ang buhay ng kanyang ama na na ipinagdiriwang ang kaarawan ngayong araw

Sinariwa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang buhay ng kanyang ama na ipinagdiriwang ang kaarawan ngayong araw.

Sa kanyang talumpati sa Marcos Day sa Ilocos Norte, ibinahagi ni Pangulong Marcos kung paanong nagsisilbing gabay ang ama sa kanyang pamumuno ngayon.

Read More:  Marcos tells Filipinos “don’t panic” as peso hits record-low ₱64.17 against dollar

Sabi ng Presidente, kapag may mahihirap na desisyong kailangan niyang gawin, naiisip nya kung ano ang gagawin ng ama.

Tumatak daw sa kanya ang turo nito na ang diwa ng pagseserbisyo ay maging Pilipino, pagsilbihan at protektahan ang mga Pilipino.

Read More:  SC seeks comment on VP Sara Duterte impeachment vote rule

Kaya naman binigyang-diin ni PBBM na ang lahat ng ginagawa nya ngayon ay bilang Pilipino at para sa mga Pilipino.