71-anyos na ginang – patay matapos paghahampasin sa Sapian, Capiz

Wala nang buhay ng matagpuan sa loob ng kanyang pamamahay ang isang 71-anyos na ginang sa Sitio Bulon, Brgy. Bilao, Sapian, Capiz.

Sa impormasyon na nakuha ng Brigada News Team, nakarinig umano ang mga kapitbahay ng pawang nag-aaway sa bahay ng biktima na si alyas Jonella, posibleng kakilala umano ng biktima ang suspek dahil pinagbinuksan pa niya ito ng pintuan.

Read More:  PDEA, police dismantle alleged drug den in Davao del Sur

Lumalabas na hinampas ng matigas na bagay sa ulo ang biktima ng hindi nakilalang suspek.

Read More:  5 dead in Sorsogon City market fire, including mother and daughter

Nagtungo na rin sa lugar ang Scene of the Crime Operatives sa pagproseso ng crime scene.

Sa ngayon, patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng kapulisan sa motibo ng krimen at pagkakakilanlan ng suspek. (with reports from KEN MARK GICALDE – 95.7 BNFM ROXAS, CAPIZ)