BJMP, inihanda na ang selda ni Quiboloy

Nakahanda na ang selda sa Quezon City Jail na posibleng maging kulungan ni KOJC Leader Pastor Apollo Quiboloy kung sakaling matuloy ang paglilipat dito mula sa PNP custodial center.

Kung sakali, ang seldang paglilipatan ni Quiboloy ay may sukat na 4.7 square meters at kayang mag-accomodate ng 10 PDL.

Read More:  BIR removes 12% VAT on allowable system loss charges in electric bills

Mayroon itong limang double-deck na kama, monoblock na mga upuan, lamesa, at lababo.

Wala namang ibang nakakulong sa selda pero kaharap nito ang mga bilanggo na nasa ibang selda.

Read More:  House summons Zuckerberg over social media safety

Tiniyak naman ni BJMP Spokesperson Joseph Bustinera na kahit high profile inmate si Quiboloy ay walang magiging VIP treatment sakaling matuloy ang pagkustodiya nila sa pastor.

Samantala, ayon sa PNP, mananatili pa rin si Quiboloy sa Kampo Crame sa kabila ng court order.