Most wanted ng Uson, Masbate arestado sa lungsod ng Sorsogon

SORSOGON CITY – Arestado ang 21-anyos na binata na may kinakaharap na kaso sa bayan ng Uson, Masbate subalit nagtago sa lungsod ng Sorsogon.

Kinilala ang akusado na si Johndel Samson, construction worker at residente ng Brgy Centro sa bayan ng Uson, Masbate.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Naaresto si Samson sa Brgy Piot lungsod ng Sorsogon, sa pakikipag-ugnayan ng Uson Police sa Sorsogon City Police.

Ang arrest order ay ibinaba ng RTC Br 48-Masbate City sa kasong two counts of rape na walang kaukulang piyansa.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Si Samson ay itinuturing na No. 2 most wanted person ng Uson Police. Ibinayahe na ito pabalik ng Uson, Masbate upang ipresenta sa kanyang court of origin.