PCG – tatapusin na ngayong araw ang siphoning operations sa MT Terranova; Pagsipsip at pagtahak sa MTKR Jason Bradley, lalarga na rin

Target tapusin ngayong araw ang siphoning operations para sa lumubog na motor tanker Terranova sa Bataan.

Sa panayam ng Brigada NewsFM Manila kay Coast Guard Station-Bataan Lt. Commander Michael John Encina, sinabi nitong nagsimula na ang final approach para sa siphoning operation.

Read More:  Legarda, Leviste not hiding amid plunder allegations, lawyer says

Umabot ng higit 1.3 milyong litro ng oily waste ang nakuha ng contracted salvor na Harbor Star mula August 19 hanggang kahapon.

Samantala, sisimulan na rin ang installation ng mga sea water siphoning pipes o yung pagpapalutang sa MTKR Jason Bradley ngayong araw.

Read More:  PCG drives away Chinese maritime militia vessel and 24 fishing boats near Kota Island

Inaasahan na kung magiging maayos ang panahon – mabilis na itong madadala at hihilahin papuntang Diving Industry Shipyard kung saan dinala rin ang MV Mirola 1.