Siphoning operations sa MT Terranova – matatapos na bukas

Inaasahang matatapos na bukas, araw ng Martes ang naging oil siphoning operation para sa lumubog na motor tanker na Terranova sa Bataan.

Ito ay matapos makuhanan ng kabuuang 1,304,878 litro ng oily waste mula sa MKTR Terranova na may dalang 1.4 milyong litro ng industrial fuel oil nang lumubog ito.

Read More:  Palace says US call to leave ICC will not affect Duterte trial

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), ang pinakahuling siphoning operation ay nangyari noong Linggo at nakakolekta ng maraming tubig.

Read More:  VP Sara Duterte denies Gracioso cash delivery claims

Kaugnay nito, ang naturang operasyon ay magpapatuloy bukas hanggang Setyembre 10, 2024, upang matiyak na ang lahat ng IFO cargo ay makukuha mula sa lumubog na MTKR Terranova.