Kampo ni Quiboloy – nais magpalipat sa AFP

Umapela ang kampo ni Apollo Quiboloy na ilipat ito ng kustodiya.

Sa ambush interview, sinabi ng kaniyang abugado na si Atty. Israelito Torreon na nais nilang alisin sa PNP custodial facility sa Kampo Crame si Quiboloy.

Read More:  Palace blames political noise, fake news for economic slowdown

Aniya, naghain na sila ng mosyon sa Korte para mailipat siya sa AFP custody.

Kung hindi naman, kahit daw masailalim si Quiboloy sa house arrest.

Read More:  Sara Duterte leads 2028 presidential preference survey with 50%

Bahagi pa rin umano ito ng kaniyang security.

Maalalang kinumpirma ni Pangulong Bongbong Marcos na may kamay ang AFP sa pagsuko ni Quiboloy dahil wala raw tiwala ang televangelist sa mga kapulisan.