Tiniyak ni Interior Sec. Benhur Abalos na ‘di sila titigil hanggat ‘di natutunton ang kapatid ni dismissed Bamban mayor Alice Guo na si Wesley.
Sa Saturday News Forum – sinabi ni Abalos na tuluy-tuloy ang pakikipag-coordinate nila sa mga counterparts nila sa iba’t ibang mga bansa, partikular na sa Southeast Asia.
Sa ngayon, mayroon umano silang mga mino-monitor na mga lugar na posibleng pinagtataguan ni Wesley.
Ang tiyak aniya sa ngayon – maliit na lang ang iniikutan ni Wesley at mahuhuli na rin ito.
Sa sinabi naman ni Atty. Stephen David na gusto nang sumuko ni Wesley – sinabi ni Abalos na mayroon na ring mga hakbang ang Gobyerno para rito sakali mang ituloy niya ang kaniyang surrender.