DA, tiniyak na ginagawa nila ang lahat upang hindi na kumalat ang ASF sa bansa

Tiniyak ng Department of Agriculture na ginagawa nila ang lahat upang hindi na tuluyan pang kumalat ang African swine fever sa bansa.

Kaugnay nito, naglaan na ang ahensya ng P300 million para sa pagbili ng 600,000 doses ng mga bakuna at handa itong humanap ng karagdagang pang pondo kung mapapatunayan na epektibo ito.

Read More:  SC seeks comment on VP Sara Duterte impeachment vote rule

Hindi rin nawawalan ng pag-asa ang DA na muling magkakaroon ng kumpiyansa ang mga magbababoy ngayong nagsimula na ang pagbabakuna laban sa ASF.

Read More:  Marcos tells Filipinos “don’t panic” as peso hits record-low ₱64.17 against dollar

Sa kasalukuyan, nasa 32 probinsya na ang apektado ng ASF sa buong bansa.