Sikretong lagusan sa KOJC compound, nadiskubre

Nadiskubre ng Philippine National Police (PNP) at Department of the Interior and Local Government (DILG) ang umano’y sikretong lagusan sa cathedral ng Kingdom of Jesus Christ.

Bukod sa magagarang silid, detelyado at kakaiba rin ang disensyo sa ilalim na nagpapahirap sa paghahanap kay Pastor Apollo Quiboloy.

Read More:  10th Infantry Division denies AI-generated image showing support for Bato

Nadiskubre rin ng mga pulis ang mga nakatagong bolo.

Ayon sa DILG, ang mga nakitang sikretong lagusan ay papunta sa kwarto raw ni Pastor Quiboloy.

Read More:  Rep. Edgar Erice urges Congress to scrutinize questionable 2027 budget

Tiniyak naman ng DILG at PNP na patuloy ang kanilang ginagawang paghahanap kay Pastor Quiboloy gamit ang mga bagong teknolohiya.