Loss and Damage Fund Board Act, ganap nang batas matapos lagdaan ni Pangulong Marcos

Pirmado na ni Pangulong Bongbong Marcos ang RA 12019 o Loss and Damage Fund Board Act.

Ang naturang batas ang magbibigay ng juridical personality at legal capacity sa Loss and Damage Fund Board na syang tutugon sa nawala at nasira dahil sa climate change.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Bilang governing body, magkakaroon din sila ng ganap na legal capacity na makipagkontrata, kumuha at mag-dispose ng mga hindi natitinag at natitinag na ari-arian, gayundin ang pagsasagawa ng mga paglilitis.

Sila rin ang ino-otorisa na makipag-negotiate, at makipag-usap sa World Bank bilang interim trustee at host ng secretariat ng Fund, at magsagawa ng mga aktibidad na kinakailangan para sa pagtupad ng mga tungkulin nito.

Read More:  Pulse Asia survey shows Sara Duterte, Bong Go leading 2028 race

Maaalalang ang Pilipinas ang napiling maging host ng Loss and Damage Fund na maaaring gamitin para isaayos o pigilan ang epekto ng climate change.