PNP, may hawak na ebidensiya na sinasaktan umano ng mga miyembro ng KOJC ang kapwa nila para isisi ito sa kapulisan

Mariing pinabulaanan ng Philippine National Police ang mga alegasyong sila ang nagsimula ng gulo sa nagpapatuloy na paghahanap kay Apollo Quiboloy sa loob ng compound ng Kingdom of Jesus Christ.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, may hawak silang video na mismong ang mga miyembro ng KOJC ang nagsusugat umano sa kanilang kasamahan para isisi ito sa kapulisan.

Read More:  Zambales marks 10th anniversary of WPS arbitral victory

Sa katunayan sinabi ni Col. Fajardo , pitong miyembro ng PNP ang nasaktan dahil umano sa pananakit ng mga ito.

Read More:  Senate court sets hearings on Sara Duterte finances, aide’s testimony

Wala rin daw katotohanan ang alegasyon na gumamit ng tear gas ang kapulisan.

Sa ngayon pinag-aaralan na ng mga abogado ng PNP ang mga posibleng isasampang kaso.