PAOCC, naniniwalang may mga public official na tumulong para makatakas sa Pilipinas si Alice Guo

Patuloy ang masusing imbestigasyon ng Presidential Anti-Organized Crime Commission o PAOCC sa kaso ni Alice Guo.

Malaki naman ang paniniwala ng PAOCC na may mga pribadong indibidwal o public officials na tumulong kay Guo kaya hindi natunugan ang pag alis nito sa bansa.

Read More:  BAN Toxics urges removal of unauthorized squishy toys over potential health risks

Sa Saturday News Forum, ipinaliwanag ni PAOCC spokesperson Dr. Winston Casio na hindi basta-basta maibibigay ng isang ordinaryong indibidwal ang ganitong klaseng tulong kay Guo na kayang ilihim ang impormasyon sa mata ng publiko.

Read More:  Palace clarifies Marcos administration’s super El Niño response goes beyond buckets

Kung maaaalala naglabas ng babala si Pangulong Bongbong Marcos kamakailan na tinitiyak nyang may pananagutin sa pagkakapuslit ni Guo palabas ng Pilipinas.