CSC Bicol bukas na muli sa mga nais mag apply para sa FOE, POE at BCLTE pero limitado lamang sa lalawigan ng Albay

BICOL—Bubuksan nang muli ng Civil Service Commission (CSC) Bicol ang aplikasyon para sa mga nais kumuha ng Fire Officer Exam (FOE), Penology Officer Exam (POE) at Basic Competency on Local Treasury Exam ( BCLTE) pero hindi sa lahat ng probinsya sa rehiyon.

Sa abiso ng CSC Bicol, tanging mga aplikante lamang mula sa lalawigan ng Albay ang tatanggapin para sa aplikasyon na magsisimula sa Lunes, July 26.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Istriktong ipatutupad ang apointment system upang maiwasan ang inter-zonal movements ng mga examinees base sa naging rekomendasyon ng Legazpi City Inter-Agency Task Force (IATF).

Para sa mas detalyadong gabay kung paano ang proseso ng aplikasyon, bisitahin ang http://ro5.csc.gov.ph/news…/871-examination-advisory2021.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Kailangang personal na isumite ng mga aplikante sa CSC Regional Office 5 sa Rawis, Legazpi City ang kanilang pinunang form kasama ang kumpletong mga requirements sa itinakdang oras at petsa ng kanilang appointment. || SLM