Cassandra Li Ong at Shiela Guo, nananatili pa rin sa special detention room ng NBI

Nananatili pa rin sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kapatid ni dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na si Shiela Guo, gayundin si Cassandra Li Ong na umano’y kinatawan ng sinalakay na Lucky South 99 POGO Hub sa Porac, Pampanga.

Dakong alas-diyes bente dos kagabi nang ilipat sa NBI sina Shiela at Cassandra mula sa Bureau of Immigration para sa karagdang dokumentasyon.

Read More:  Filipinos’ trust in ASEAN declines from 2017 level, SWS survey finds

Nasa air conditioned Special Detention Room na may folding chair sa ika-8 palapag ng NBI Headquarters ang dalawa kung saan sila nagpalipas ng gabi.

Kinumpirma rin ni Atty. Ferdinand Topacio, abogado ni Ong, na hindi pa nai-inquest ang kaniyang kliyente pero sasailalim ito ngayong Biyernes depende kung sa NBI o Department of Justice.

Read More:  Poa sees no issue with political differences among Sara Duterte’s lawyers

Sasampahan si Ong ng kasong obstruction of justice at harboring a fugitive.

Samantala na-inquest na kagabi si Shiela Guo sa Bureau of Immigration dahil sa paglabag sa immigration laws.