Lalaking nakaupo sa motorsiklo, patay matapos pagbabarilin

Niratrat ng bala ang isang lalaki habang nakaupo ito sa kanyang motorsiklo dakong alas 10:00 ng umaga ng Huwebes, Agosto 22, 2024 sa Purok Sambag Centro, Brgy. San Vicente, Liloan, Cebu.

Anim na beses pinagbabaril ang biktima na si Bryan Angtud Rivera, 31-anyos na residente ng   Purok Banica, Sitio Sambag ng nasabing barangay.

Read More:  Parara NHS adopts transparent bags to strengthen Campus Security

Dahil sa mga tama ng bala sa ibat-ibang parte ng katawan, dead-on-the spot ang biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Liloan Municipal Police Station, napag-alaman na sakay ng motorsiklo ang bumaril sa biktima na kaagad namang tumakas.

Read More:  21-year-old  arrested over alleged online school shooting in Cebu

Nakuha ng SOCO sa crime scene ang mga basyo ng bala ng kalibre 45 na baril. Inaalam na ng kapulisan ang identity ng suspek maging ang motibo sa pamamaril.