Senador, nanawagan sa mga eskuwelahan na magpatupad ng safety measures laban sa mpox

Nanawagan si Senador Win Gatchalian sa bawat eskuwelahan na magpatupad ng health at safety measures kasunod ng unang detection ng kaso ng monkeypox (mpox) sa bansa ngayong taon.

Kung saan, ayon sa Department of Health (DOH), nasa 33-taong gulang ang Pilipinong lalaking pasyenteng ito at wala rin itong travel history sa labas ng bansa.

Read More:  Marcos says Philippines won’t allow territory used as launching pad for attacks on Taiwan

Bilang nagdadala ng pangamba ang kaso ng mpox sa bansa ay nanawagan ang senador sa mga eskuwelahan na magpatupad ng safety measures laban dito.

Read More:  Shooting at Ateneo de Zamboanga University leaves two dead

Anya, bagamat ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ay mababa ang tyansang magkaroon ng mpox ang mga bata o kabataan ay importanteng mapaalalahanan ang mga ito tungkol dito at mahikayat na magsagawa ng regular handwashing.