Natitirang 800K hectares ng lupa, nakatakdang ipamahagi ng DAR hanggang taong 2028

Target ng Department of Agrarian Reform (DAR) na maipamahagi ang natitirang 800k hectares ng lupain para sa mga agrarian beneficiaries bago matapos ang termino ni Pangulong Bongbong Marcos sa taong 2028.

Ayon kay DAR Secretary Conrado Estrella, kumpyansa silang makakaya nila itong tapusin, lalo’t naka bwelo na anya sila sa pamamahagi.

Read More:  Marcos says Philippines won’t allow territory used as launching pad for attacks on Taiwan

Nakita na rin anya nila ang tamang formula sa mas mabilis na pag proseso nito sa tulong ng Land Registration Authority, Registry of Deeds DENR at DA.

Read More:  Lawmaker urges House action on school safety bill after Zamboanga shooting

Habang ngayong taon ay inaasahang makakapamahagi sila ng 100 thousand hectares.

Maliban naman sa pamamahagi ng mga titulo ng lupa, sisimulan na rin nila ang pamamahagi ng certificate of condonation sa mga magsasaka.