Pagbabawal sa withdrawal ng COC para sa subsitution ng isang kandidato – lusot na sa Kamara

Pinagtibay ng Kamara ang House Bill 10524 na layong ipagbawal ang withdrawal o pagbawi ng Certificate of Candidacy (COC) bilang grounds sa substitution ng kandidato sa eleksyon.

Read More:  Facebook ban in Philippines possible as CICC warns meta over laws

Aamiyendahan nito ang Section 77 of Batas Pambansa Blg. 881 o Omnibus Election Code of the Philippines.

Nakapaloob sa panukala ang paghihinto sa paglalagay placeholders para lang maka-abot sa deadline ng filing ng COC.

Read More:  DepEd strengthens student counseling after Zamboanga school shooting

Maliban dito, ang naturang panukala ay naglalayong pumigil sa anilang ‘mockery’ o ‘panloloko’ sa electoral system.