2 kasamahan ni Guo na sina Cassandra Li Ong at Sheila Guo – nasa kustodiya na ng mga otoridad sa Indonesia

Hawak na ng mga Indonesian Authorities ang dalawang kasamahan ni Bamban Mayor Alice Guo.

Sa ambush interview, sinabi ni Interior Sec. Benhur Abalos na natanggap niya ang impormasyong ito kagabi mula kay PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil.

Kabilang sa naka-detain ay sina Cassandra Li Ong at umano’y isang Sheila Guo.

Hindi pa naidetalye ng kalihim ang dahilan ng pagkakakulong ng dalawa.

Kinumpirma na rin ito ni House Committee on Public Order and Safety Chairman Dan Fernandez sa ikalawang pagdinig ng Quad Committee sa Kamara ngayong araw.

Read More:  NIA says it is prepared for El Niño impacts

Ayon kay Fernandez, nakikipag-ugnayan na si PNP Chief Marbil sa Indonesian authorities upang maiuwi si Ong sa Pilipinas.

Maaalalang si Cassandra Li Ong ay isa sa mga iniuugnay sa Lucky South 99 POGO hub sa Porac, Pampanga; habang si Sheila Guo naman ay kapatid ng dating alkalde.

Si Ong din ang itinuturong nag-recruit kay dating Presidential Spokesperson Harry Roque upang magsilbing abogado ng Whirlwind Corporation na siyang real estate firm na nagpaupa sa lupain para sa Lucky South.

Read More:  Barzaga says he has no regrets after House expulsion

Samantala, sa hiwalay na pahayag, sinabi ni PNP-CIDG dir. MGen. Leo Francisco na nakatanggap sila ng impormasyong babalik na dapat si Guo ng bansa.

Aniya, August 14 daw ay babalik na si Guo sa Pilipinas mula Singapore pero hindi ito natuloy.

Sa katunayan, mayroon na nga raw silang mga tauhan na naka-abang sa airport, pero ‘di malinaw kugn bakit ‘di siya bumalik, kabilang ang lima pa nilang inaasahang kasama ng dismissed mayor.