Lalaking wala ng buhay, natagpuan sa damuhan

Nakahandusay sa damuhan at wala ng buhay ng matagpuan ang isang lalaki bandang alas 03:00 ng hapon ng Martes, Agosto 20, 2024 sa Sitio Dakit, Brgy. Guadalupe, Cebu City.

Read More:  Newborn baby found abandoned in Cebu without clothing

Kinilala ito na si Cecilio Labra Gabutin, nasa hustong gulang, binata at residente sa lugar.

Nabatid na isang concerned citizen ang nagreport sa Guadalupe Police Station hinggil sa nakahandusay na katawan.

Read More:  PDEA, police dismantle alleged drug den in Davao del Sur

Sa ginawang pagsuri ng mga personahe ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), walang anumang sugat sa katawan ang biktima.

Patuloy ang imbestigasyon kung may foul play ba sa nangyari.