ITIA, nagpaliwanag hinggil sa hindi pagsuspinde kay world number 1 Tennis player Sinner 

Nagsalita na ang International Tennis Integrity Agency kung bakit hindi nila pinatawan ng suspension si world number 1 Tennis player Jannik Sinner matapos na magpositibo sa pinagbabawal na susbstance.

Ayon sa ITIA hindi nila nakita na nagpabaya si Sinner kahit na nagpositibo ito sa Clostebol isang anabolic steroid.

Read More:  Kai Sotto returns to Gilas Pilipinas

Mababatid na dalawang beses nagpositibo sa pinagbabawal na gamot ang tennis star player.

Ayon kay Sinner nakuha niya ito sa pamamagitan ng contamination sa gamot ng kaniyang physiotherapist.

Read More:  Gilas Pilipinas gears up for crucial FIBA World Cup Qualifiers

Nagagamot umano ang physio ni Sinner sa pamamagitan ng over the counter spray sa kaniyang balat para sa maliit na sugat.

Pagtitiyak  ni Sinner na susunod na siya sa mahigpit na batas ng tennis community.