Bulkang Taal, walang naitalang volcanic earthquake simula August 8

Magandang pangitain na walang naitatalang volcanic earthquakes mula sa Bulkang Taal.

Ito ang binigyang-diin ni PHIVOLCS Director Teresito Bacolcol matapos ang ulat na simula August 8, wala pa ulit silang naitatalang mga pagyanig dahil sa bulkan.

Read More:  Sara Duterte defense team says it is ready for impeachment trial

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay Bacolcol, sinabi nitong ang ganitong kondisyon ay nangangahulugang walang magma na umaangat sa bulkan.

Samantala, sinabi rin ni Bacolcol na normal lang ang pagbuga ng bulkan ng sulfur dioxide dahil bahagi ito ng volcanic activity.

Read More:  Bayan urges vigilance vs INC protest’s impact on anti-corruption drive

Sa lagay aniya ng Bulkang Taal – bumaba ang na ang lebel ng sulfur dioxide.

Pero paglilinaw ni Bacolcol – hindi naman ito direktang nangangahulugan na numipis din ang vog na nararanasan, dahil marami pang kailangang ikonsidera rito gaya ng hangin.