Bahay, pinasok ng 3 armadong naka-helmet;1 patay

Patay matapos magtamo ng tama ng bala ang isang lalaki nang pasukin ng mga armadong indibidwal ang tirahan nila ng kanyang live-in partner.

Nangyari ito sa Barangay Mambaling, Cebu City alas 02:20 ng madaling araw ng Martes, Agosto 20, 2024.

Read More:  Three fishing vessels destroyed in fire at MGTR compound in General Santos City

Dinala pa sa ospital ang nasabing lalaki na si Roldan Racal ngunit kalaunan ay binawian pa rin ng buhay.

Ayon sa kinakasama ng biktima na tatlong armadong lalaki na naka-helmet ang pumasok sa kanilang bahay at hinalughog ang loob.

Read More:  Volunteer work, persistence mark Ilog man’s road to Army commission

Hinahanap umano nito ang pamangkin ni Roldan at kinuha ang iilan sa kanilang mga gamit maging ang 3 cellphones.

Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng Mambaling Police Station.