Lalaking naglalakad, pinaulanan ng bala

Patuloy ang pagtutok ng mga otoridad sa nangyaring pamamaril sa Sitio Santo Niño Hills Barangay Pardo, Cebu City pasado alas 07:00 ng gabi ng Lunes, Agosto 19, 2024.

Kung saan bumulagta ang lalaking nakahandusay sa sariling dugo.

Read More:  Cyclist injured after collision with LTO vehicle in Mandaue City, Cebu

Ang biktima ay kinilalang si Alyas Ali, 30-anyos na nagtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Sa imbestigasyon, naglalakad ang biktima sa lugar nang harangin ng hindi pa nakikilalang gunman.

Read More:  Man leaves suspected explosive before blast at Legazpi STL outlet

Narekober sa crime scene ang tatlong basyo ng bala ng unknown caliber at isang canister na naglalaman ng apat na maliliit na pakete ng pinaniniwalaang shabu.

Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon sa nangyaring krimen.