Pangulong Marcos, tiniyak na may mananagot sa pagpuslit ni Alice Guo sa bansa

“Heads will roll.”

Ito ang tiniyak ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. hinggil sa pagpuslit ni dismissed mayor Alice Guo sa bansa.

Read More:  Marcos calls Malacañang meeting on Super El Niño response

Aniya, ibinubunyag lang nito ang korapsyon na sumisira sa justice system ng Pilipinas at sumisira sa tiwala ng publiko.

Nangako rin ang Pangulo na masususpinde sa serbisyo ang sinomang responsable at tumulong sa dating alkalde na makalabas ng bansa.

Read More:  COMELEC warns of BSKE delays if Supreme Court issues TRO

Sa ngayon, pinaghahandaan na ng pamahalaan ang full scale investigation hinggil sa paglabas ni Guo sa bansa, sa kabila ng Immigration Lookout Bulletin Order.