SC pinatitigil ang paghahanda sa plebesito sa dalawang bayan sa Maguindanao del Norte

Ipinag utos ngayon ng Supreme Court sa Commission on Election na itigil ang anumang paghahanda para sa nakatakdang plebesito sa mga bayan ng Datu Odin Sinsuat at Sultan Kudarat sa Maguindanao del Norte.


Ang development na ito ay kasunod ng inilabas na Press Briefer mula sa Supreme court ngayong araw August 20 kung saan nakasaad sa desisyon na idineklarang ” Unconstitutional ” ang pagsasagawa ng plebesito sa nasabing mga bayan.

Read More:  Parara NHS adopts transparent bags to strengthen Campus Security


Malinaw umano na ito ay labag sa Saligang batas particular ang Section 5 ng Bangsamoro Autonomy Act 53, 54, 55 o ang ” Qualified voters in a plebiscite to be conducted in the Barangays comprising the municipality pursuant to section 2 hereof “

Read More:  Ambulance carrying patient collides with taxi in Cebu City


Nangangahulugan lamang ito na pinaburan ng Korte Suprema ang mga Petitioner na hayagang kumi-kwestiyon sa ” Legalidad ” ng Bangsamoro Autonomy Act 53, 54 at 55 na naglalayong magtatag ng proposed municipality ng Sheik Abas Hamza at Datu Sinsuat Balabaran na kukunin sa Datu Odin Sinsuat at Nuling sa Sultan Kudarat. (Jom Dimapalao)