VP Sara, giniit na handa siyang harapin ang umanoy impeachment laban sa kanya

Nanindigan si Vice President Sara Duterte na handa siya sa anumang mangyayari at hindi siya nababahala sa mga nababalitang impeachment laban sa kanya.

Read More:  Cendana seeks more mental health funds after Ateneo shooting

Ayon kay VP Sara, bahagi aniya ito ng plano na wasakin ang mga Duterte na balakid umano sa mga nagnanais mamuno sa bansa.

Sinabi pa ni Duterte hindi siya nagsisi na tumakbong Bise kahit hindi naman daw niya gustong tumakbo sa simula pa lang.

Read More:  DepEd strengthens student counseling after Zamboanga school shooting

Bago ito nagkainitan sina Senator Risa Hontiveros at VP Sara sa gitna ng pagdinig ng budget ng Office of the Vice President sa Senado.