P92.50 kada araw sa isang tao, sapat na raw?

Naniniwala si Senador Joel Villanueva na malabong matamo ng bawat mamamayang Pilipino sa halagang P92.50 ang kanilang pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, bahay, kalusugan, edukasyon at marami pang iba.

Kasunod ito sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nagsasabing nasa P33,296 per annum ang poverty threshold noong 2023.

Read More:  Senators seek review of impeachment threshold for VP Sara Duterte

Ibig sabihin nasa P2,775 per month o P13,875 para sa isang pamilyang may limang miyembro o P92.50 bawat katao ang kinakailangang kita upang matugunan ang mga pangangailangan nila.

Ito ay bagay na agad namang binatikos ng senador dahil sa taas ng mga kasalukuyang presyo sa merkado tulad ng bigas na nasa P45 hanggang P65 kada kilo, manok na nasa P180 hanggang P230 kada kilo at P13 na pamasahe sa jeepney.

Read More:  Palace says Marcos had no power over Bonoan case drop

Dahil dito, nanawagan ang senador na i-adjust ang poverty threshold sa mas makatotohanang sitwasyong kinahaharap ng mga milyung-milyong Pilipino.