Ekonomiya ng bansa – lumago ng 6.3% sa ikalawang kuwarter ng taon

Muling lumago ang ekonomiya ng bansa.

Sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), naitala ang gross domestic product (GDP) growth sa 6.3% para sa iakalawang kuwarter ng taon.

Read More:  No government expense for Marcos’ F1 ticket, Palace says

Mas mabilis ang paglago na ito mula sa 5.8% GDP growth na naitala sa unang kuwarter ng taon.

Higit din itong mas mabilis mula sa 4.3% na paglago noong nakaraang taon sa kaparehong period.

Read More:  Marcos calls Malacañang meeting on Super El Niño response

Pasok ang 6.3% GDP growth nitong 2nd quarter sa target ng Gobyerno na 6-7%.