Panibagong 3 araw na transport strike ng MANIBELA, kasado na sa susunod na linggo

Kasado na ang gagawin na 3 araw na transport strike ng grupong MANIBELA sa susunod na Linggo simula sa Miyerkules, August 14 hanggang sa August 16.

Kasunod ito ng anunsyo ni Pangulong Marcos na tuloy ang modernisasyon sa kabila ng Senate resolution na suspendihin muna ang Public Transport Modernization Program.

Read More:  Entomologist Ravindra Joshi pushes biological controls to combat RSSI infestation

Sa ginanap na pulong balitaan, sinabi ni MANIBELA Chairman Mar Valbuena, na mukha raw hindi nabasa ng buo ng Pangulo ang nilalaman ng resolusyon ng senado at hindi inalaman ang dahilan kung bakit sinuspinde.

Dagdag pa ni Valbuena, hindi niya raw alam kung nagbubulagbulagan ang Pangulo dahil hindi nito nakikita ang paghihirap ng mga tsuper, opereytor, at mga komyuter na apektado.

Read More:  8 gates of Ambuklao Dam opened amid heavy rainfall

Samantala, kung babawiin naman raw ng Pangulo ang kanyang naging pahayag at papakinggan ang Senado ay ititigil nila ang tatlong araw na transport strike at sa halip ay magbibigay pa raw sila mg libreng sakay.