Tatay, napatay ang anak na may sakit sa pag-iisip

Patay ang isang babaeng may kapansanan sa pag-iisip matapos itong hampasin ng martilyo ng kanyang sariling ama sa Barangay San Vicente, San Francisco, Quezon nitong Martes, Agosto 6.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nagbalak umano ang biktima na paslangin ang kanyang ama nang mawala ito sa sariling pag-iisip kung saan doon na siya hinampas ng martilyo.

Read More:  More than 100 areas in the Philippines placed under state of calamity due to El Niño

Ayon naman sa pinsan ng nasawi, madalas niyang naririnig ang biktima kapag inaatake ito ng sakit sa pag-iisip kung kaya siya ang nag-aalaga sa mga anak nito na pumapasok sa paaralan.

Read More:  More than 100 areas in the Philippines placed under state of calamity due to El Niño

Sa ngayon, nakadetine na ang suspek na nahaharap sa kasong Parricide.