Ilang mga hotels sa Naga City  fully booked na para sa paparating na Peñafrancia Festival

NAGA CITY- Fully booked na ang ilang mga malalaking hotels sa Naga City para sa Peñafrancia Festival 2024.

Ito ang kinumpirma sa Brigada News FM Naga ni Coun. Jess Albeus. Kasama sa mga puno na ang Villa Caceres at Avenue Plaza Hotel  mula Traslacion Procession, Military Parade at Fluvial Procession.

Read More:  Religious beliefs influence family planning decisions among some Muslim families – CRMC

Itatakda ang inspeksyon ng pinag-isang mga opisina sa mga hotel pati mga accommodations sa mga susunod na linggo. Titingnan ang kalinisan, kaligtasan , tibay ng mga building o gusali at marami pang iba.

Read More:  Six NPA members surrender in Camarines Sur, turn over firearms and explosives

Inaasahan ng LGU Naga na darami pa ang mag papa-book dahil marami ang mga aktibidad; religious at civic events na inihanda lalo na’t ipagdiriwang ng Bicolandia ang ika- 100 na anibersaryo ng Canonical Coronation ni Inang Peñafrancia.