Nagpapatrolyang barko ng BFAR sa WPS binuntutan ng CCG

Hindi nilubayan ng China Coast Guard ang barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa ilang bahagi ng West Philippine Sea na namahagi ng tulong sa mga mangingisdang Pilipino.

Read More:  Vhong Navarro to pursue legal remedies over possible release of Deniece Cornejo, Cedric Lee

Mula Escuda Shoal, Patag at Lawak Island hanggang sa Recto Bank ay hindi lumayo ang CCG.

Nakabuntot din ang barko ng China hanggang sa makabalik sa Bataan ang mga barko ng BFAR.

Read More:  Palace to respect SC ruling on VP Sara impeachment voting rule

Nag-radio challenge pa ang China sa Pilipinas.

Tiniyak naman ng Philippine Coast Guard at BFAR na hindi nito mapipigilan ang patuloy na pagbibigay suporta ng bansa sa mga mangingisdang Pilipino.