Bilang ng tauhan ng PSPG na ni-recall ng PNP nitong Hulyo, umabot sa halos 400

Umabot sa 373 na tauhan ng Police Security and Protection Group ang ni-recall ng Philippine National Police mula sa government at private sector noong July 2024.

Ayon kay PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil, mula sa naturang bilang, 225 na pulis ang dineploy sa National Capital Region Police Office kasama ang 75 personnel na dating na assign kay Vice President Sara Duterte.

Read More:  Filipina files acts of lasciviousness complaint vs Russian Embassy staff

Gamit naman ang datos ng PNP-PSPG, sinabi ni Marbil ang 373 police personnel na iba’t-iba ang ranggo ay may combined monthly salary na P12.5 million.

Sa ngayon, na-assign na ang mga pulis sa local communities para mas magamit sa kaligtasan ng publiko.

Inilabas ng PNP ang datos bilang tugon sa spekukasyon ni Vice President Duterte na na-singled out sya sa recall process kung saan sya lang ang inalisan ng mga police security.

Read More:  Philippines, Canada aim to conclude free trade agreement this year

Samantala…lumalabas din sa datos na mayroon pang 277 “excess” officers mula sa national headquarters, 43 na bagong promote na lieutenants, at 103 na bagong appoint na police commissioned officers ang na- reassigned sa NCRPO kaya aabot sa 647 ang lahat ng mga pulis na nalipat sa NCRPO.