Joint investigation team, binuo na upang imbestigahan ang umano’y paihi na kinasasangkutan ng mga barkong lumubog sa Bataan

Bumuo na ng joint investigation team ang Philippine Coast Guard upang tutukan ang imbestigasyon sa umano’y pagkakasangkot sa pa-ihi o fuel smuggling ng MT Terra Nova at Jason Bradley, at ang sumadsad na motor vessel Mirola 1 sa Bataan.

Ayon kay PCG Bataan station commander Lt. Commander Michael John Encina, nakipag-ugnayan na sila sa National Bureau of Investigation para imbestigahan ang ulat na ito.

Read More:  CSC bans government employees from all forms of gambling

Iko-consolidate aniya ang mga mahahalagang impormasyon at datus ng mga barko bilang bahagi ng imbestigasyon.

Nakatakda rin kuhanan ng pahayag ang mga crew ng barko.

Read More:  DENR studying legal options vs Navotas landfill operator

Samantala, nagpapatuloy ang marine casualty investigation ng mga sangkot na barko.

Nakikitang dahilan ng pagkalubog at pagsadsad ng mga barko ay dahil umano sa naranasang sama ng panahon na naka apekto sa paglalayag ng mga ito.