DOF – kumpiyansang panandalian lamang ang pagbilis ng inflation

Maituturing na “one-time uptick” o pansamantala lang ang mataas na inflation rate na naitala sa buwan ng Hulyo.

Ito ang tiniyak ni Finance Secretary Ralph Recto matapos makapagtala ng pagbilis sa inflation rate ng Pilipinas noong nakaraang buwan.

Read More:  Bayan urges vigilance vs INC protest’s impact on anti-corruption drive

Ayon kay Recto, posibleng bumalik din ito sa target range ng mga economic managers na 3-4% hanggang sa matapos ang taong ito, sa sandaling maipatupad ng pamahalaan ang mga interventions para rito.

Read More:  Ex-DPWH Chief Bonoan to testify against Martin Romualdez

Samantala, ngayong buwan ng Agosto – sinabi ng kalihim na inaasahang bababa na ang infation.

Sa kabila aniya nito, may bahagyang pagtaas pa rin dahil sa naging epekto ng mga nagdaang bagyo sa agriculture sector.